-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinangunahan ng Florete Group of Companies ang pagbibigay ng tulong sa mga residente na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na labis ang kanyang pasasalamat sa pagbigay ng Florete Group of Companies ng 100 sako ng super white rice sa mga residente ng lungsod na apektado ng pandemya.

Ayon sa alkalde, ang nasabing mga bigas ay hahatiin sa bawat barangay sa lungsod.

Napag-alaman na ang nasabing mga bigas ay naglalaman ng 50 kilo bawat sako.

Nais rin ipaabot ng Florete Group of Companies sa iba pang may busilak na puso na ang lahat ng pagsubok na kinakaharap ng lungsod ay malalampasan sa pamamagitan ng pagtutulungan.