-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakiisa ang Florete Group of Companies sa ginawang paraan ng Iloilo City Government upang ipakita ang pagkilala sa kabayanihan ng mga frontliners na namatay dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang paglagay sa watawat sa half mast ay paraan sa pagkilala sa mga medical frontliners lalo na ang mga binawian ng buhay upang matulungan ang kanilang kapwa laban sa COVID-19.

Ayon kay Treñas, ang nasabing hakbang ay sinang-ayunan mismo ng National Historical Commission.

Napag-alaman na sa Plazuela de Iloilo, makikita mismo ang watawat ng Pilipinas na naka half mast bilang pagtalima sa Executive Order 139 bilang pagbibigay pugay sa tinaguriang fallen COVID-19 frontliners.