-- Advertisements --
iloilo Bombo cash donation

ILOILO CITY – Pinapurihan ng Iloilo City government ang Florete Group of Companies sa walang sawang pagtulong sa mga apektado ng pandemya sa lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito malaki ang naitulong ng ibinigay ng Florete Group of Companies na P1 million para sa COVID-19 vaccination ng Iloilo City.

Anya, ang nasabing donasyon ay pinambili ng lungsod ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Iloilo rice donation bombo

Maliban dito, marami rin ang nabiyayaan ng bigas mula sa 100 sako ng super white rice na donasyon din ng Florete Group of Companies lalo na sa mga apektado ngayon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa lungsod.