Patuloy ang pananalasa ng hurricane Dorian na nasa category 5 storm sa Bahamas.
Ito ay matapos na mag-lafall sa Abaco Island at ito ay mabagal na umuusad sa northwestward sa bilis na 3 mph at nagbabanta sa Florida at North Carolina.
Maraming mga paaralan at establishimento ang isinara dahil sa banta ng hurricane Dorian.
Ang ang nasabing Hurricane ay siyang pinakamalakas na bagyong naranasan sa nasabing bansa.
Sa kasaysayan kasi sa US ay unang naranasan ang category five Matthew noong 2016 sa Haiti, Cuba at Grand Bahama Island na ikinasawi ng 585 katao, noong 2017 ay pitong beses na naglandfall ang hurricane Irma sa northern Caribbean Islands na nagresulta sa pagkamatay ng 47 katao at 2017 din ng Hurricane Maria na nananalasa sa Dominica Island noong 2017 na tinamaan ang Puerto Rico at ikinasawi ang 3,000.
Noong nakaraang taon ay nanalasa naman ang hurricane Michael sa Florida na ikinasawi ng 59 katao.