-- Advertisements --

Hiniling ni Florida Governor Ron DeSantis kay US President Joe Biden na magpatupad ng disaster declaration sa 67 counties dahil sa banta ng hurricane Ian.

Aabot na sa 200,000 mga residente ng nawalan ng suplay ng kuryente at inaasahan na ito ay madadagdagan habang binabayo ng hurricane Ian ang kanilang lugar.

Pinalikas na rin nila ang nasa 7,000 pasyente mula sa 150 pasilidad o pagamutan na direktang tatamaan ng bagyo.

Nagpatupad na rin sila ng paglilikas sa mga Charlotte County para hindi na magkaroon ng casualty.