Naghahanda na ang maraming residente ng Florida dahil sa pananalasa ng Hurricane Milton.
Ang nasabing bagyo kasi ay itinaas na sa Category 5 ng National Hurricane Center.
HIndi na pa man nakakabangon ang mga taga Florida mula sa pananalasa ng Hurricane Helene noong nakaraang linggo ay dumatin na naman ang nasabing bagyo.
Idineklara na ni Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava ang local state of emergency bilang paghahanda sa nasabing bagyo.
Hinikayat nito ang mga mamamayan na lumikas na dahil sa inaasahang malawakang pagbaha sa nasabing lugar.
Base sa pagtaya kasi ng National Hurricane Center na nasa 180 miles per hour ang hangin na dala ng nasabing bagyo.
Bilang paghahanda ay nagpasya ang Orlando International Airport ngpagtigil ng operasyon.
Tiniyak naman ng White House na nakahanda ang mga tulong na kanilang ipapamahagi sa mga masasalanta ng bagyo.