Inilatag ni Florida Gov. Ron DeSantis ang kanilang plano na unti-unti nang buksan ang ekonomiya ng Florida kung saan pananatilihin ang pagpapatupad ng social distancing sa mga eskwelahan.
Sinabi ni DeSantis na ang unang balakid na dapat malampasan ng kanilang mamamayan ay ang “fear of the unknown, fear of the doom-and-gloom hysteria.”
Papayagan din na muling magbukas ang mga restuarant ngunit kinakailangan na sa labas lamang ang mga upuan at pananatilihin ang six feet social distancing habang 25% lamang ng normal capacity ang pahihintulutan para sa indoor seating. Ganito rin ang paiiralin sa mga indoor retail business.
Gayunman ay ipagbabawal pa rin ang ang pagbisita sa mga senior living facilities, pagbubukas ng mga bar, gym at personal service providers tulad ng parlor.
Magiging epektibo sa Mayo 4 ang mga bagong patakaran ngunit hindi kasali rito ang Miami-Dade, Broward at West Palm counties.
Hinihikayat naman ni DeSantis ang lahat ng taga-Florida na sundin lamang ang social distancing, magsuot ng mast at umiwas sa social gatherings.