![image 18](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/08/image-18.png)
Inaasahang lalakas pa ang bagyong Florita habang patungo sa direksyo ng Cagayan Valley, para sa unang landfall bukas.
Ayon sa ulat ng Pagasa, namataan ang sentro ng naturang sama ng panahon sa layong 155 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
May taglay itong lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.
Inaasahan ang landfall ng tropical storm Florita bukas ng umaga sa Cagayan-Isabela area.
Nakataas na ngayon ang signal number two (2) sa mga sumusunod na lugar: Cagayan, Isabela, Quirino, eastern portion ng Nueva Vizcaya, Apayao, eastern portion ng Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern at central portion ng Aurora.
Habang signal number one (1) naman ang umiiral sa mga sumusunod: Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, iba pang bahagi ng Abra, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, eastern portion ng Pangasinan, eastern portion ng Tarlac, Nueva Ecija, iba pang parte ng Aurora, eastern portion ng Pampanga, eastern portion ng Bulacan, northeastern portion ng Rizal, northern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands, northern portion ng Laguna at Camarines Norte.