CAUAYAN CITY- Inuuna ang mga senior citizen na mahina ang immune system sa pagtuturok ng ika-apat na dose ng bakuna kontra COVID-19 na nagsimula noong Biyernes sa Israel
Ito ay matapos na matuklasan ang Florona variant na kombinasyon ng COVID-19 at influenza na nagdudulot ng matinding lagnat.
Buntis na babae na naglabor, walang bakuna at may mahinang immune system ang unang natuklasan na tinamaan ng Florona variant sa Israel.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Jenny Cortez, Pinay sa Israel na marami nang nagpakita sintomas ng Florona variant ngunit hindi sila na-diagnose
Pinag-aaralan na aniya ng Israel Health Minister kung gaano ka-severe ang Florona variant.
Hindi naman apektado ang mga bahay kalakal sa bagong variant ng kombinasyon ng COVID-19 at influenza dahil normal lang ang pasok sa trabaho.