Kung si Golden Boy Promotions CEO Oscar De La Hoya umano ang tatanungin, seryosong-seryoso umano ang kanyang alagang si WBC, WBA middleweight world champion Canelo Alvarez na makatunggaling muli sa ibabaw ng ring si Floyd Mayweather Jr.
Sinabi ni De La Hoya, “realistic” daw ito sa tsansa na maisakatuparan ang rematch ng dalawang kampeon, na posible raw kumita ng tumataginting na $1.5 bilyon.
Binanatan din nito si Mayweather sa paglahok sa mga madadaling laban, gaya ng naging exhibition match nito kay kickboxing star Tenshin Nasukawa noong Disyembre.
“First of all, Floyd is retired so there is no fight to make. But if Floyd did want to come back, he should stop fighting fighters who are two weight divisions smaller than him. If Floyd Mayweather decides to come back, a fight with him and Canelo could be a $1.5 billion fight,” wika ni De La Hoya.
Noong 2013 nang unang magharap sina Alvarez at Floyd kung saan nagwagi si Mayweather sa pamamagitan ng 12-round majority decision.
Sa naturang boxing match, kumita si Mayweather ng $41-milyon.