Dinaluhan ng mga malalapit na kaanak at kaibigan ang memorial service ng nasawing si George Floyd sa Minneapolis.
Isa-isang nagsalita ang ito at inalala ang mga kabutihang asal na ipinakita ni Floyd habang nabubuhay.
Sa kaniyang talumpati sinabi ni Rev. Al Sharpton na kaya hindi naabot ng mga black American ang kanilang pangarap dahil sila ay dinadaganan ng tuhod sa kanilang leeg.
Itinutukoy nito ang ginawa ng mga kapulisan ng Minneapolis na dinaganan gamit ang tuhod sa leeg ni Floyd hanggang ito ay tuluyang namatay.
Ayon naman sa abogado ni Floyd na si Benjamin Crump na ayaw nilang magkaroon ng dalawang justice system sa America na isa para sa itim at isa para sa puti.
Habang ang kapatid ni Floyd na sin Rodney at Philonise ay tinuruan sila ng kanilang kapatid na maging tunay na lalaki.
Matapos ang memorial service ay patuloy pa rin ang kabi-kabilang kilos protesta sa malaking bahagi ng Amerika at nananawagan ng pagtanggal ng racism.
Nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Floyd sa darating na Hunyo 9.