-- Advertisements --
Malaki ang paniniwala ni Floyd Mayweather Sr. na matutuloy ang rematch ng kaniyang anak na si Floyd Jr. kay Sen. Manny Pacquiao.
Sinabi ng nakakatandang Mayweather na kapag nais ng fighting senator ang muling pagharap nila ng anak ay tiyak na matutuloy ito.
Una kasi nagharap ang dalawa noong 2015 ng manalo si Floyd Jr. sa pamamagitan ng unanimous decision.
Bago nagretiro si Floyd ay tinalo niya si Andre Berto at Conor McGregor at nakuha ang record na 50-0 win-loss record.
Naniniwala pa rin si Floyd Sr. na kahit na ilang beses na makaharap ng anak si Pacquiao ay tiyak pa rin ang panalo nito.