-- Advertisements --
Makakatulong ang flu shots upang makaiwas sa severe 19 cases.
Ito ang binigyang diin ni Dr. Donald Ray Josue sa Laging Handa public press briefing.
Ayon kay Dr. Josue base sa pag-aaral na isinagawa sa Estados Unidos ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 pero nabigyan ng flu shots ay hindi nauwi sa severe ang kaso o hindi na admit sa ICU.
Kasunod nito, patuloy pa aniya ang mga isinasagawang pag aaral hinggil sa positibong epekto ng flu shots laban sa COVID 19.
Paliwanag pa ni Dr. Josue na hindi nangangahulugang kapag nagpa-flu shot na ay hindi na magpapabakuna laban sa COVID-19 dahil ang mga ito ay magkaibang virus.
Lahat aniya ng nabakunahan ng anti-COVID-19 ay maaaring tumanggap ng flu shots at ito ay dapat isinasagawa kada taon.