-- Advertisements --
bastille day

Agaw-pansin naman sa Paris ang isang lalaki na lumipad sa himpapawid gamit ang kaniyang flying board habang nasa kalagitnaan ng Bastille Day celebration sa naturang bansa.

Sakay ng jet powered aerial vehicle na ito ang French investor at entrepreneur na si Franky Zapata.

Umani ng palakpakan mula sa mga audience ang ginawang ito ni Zapata habang paikot-ikot ito sa itaas ng Champs-Elysees habang isinasagawa ang military parade kung saan dinaluhan ito ni French President Emmanuel Macron at iba pang representante mula sa mga European countries.

“Proud of our army, modern and innovative,” ani Macron sa kaniyang tweet.