Pinuna ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) ang ginawang pagtrato umano ni presidential spokesperson Harry Roque sa reporter ng BBC kung saan tinawag nitong isang panlilinlang at tsismis lamang ang iniuulat nila.
Kasunod sa ginawang hindi magandang reaksyon ni Roque sa jounalist na si Virma Rivera ng tanungin ang ginawang pananakot ng mga Chinese sa mangingisda sa karagatan ng Zambales.
Dagdag pa ng FOCAP na mayroong karapatan na sumagot si Roque pero wala itong karapatan na sabihin na ang nasabing media outlet ay gumagawa ng hakbang para sirain ang gobyerno.
Hindi lamang ito ang naging unang beses tila binastos ni Roque ang mga mamamahayag.
Magugunitang noong Mayo 2020 ay pinuna nito si CNN Philippines reporter Tricia Terada dahil sa news report na hindi naman nitong sinulat.