-- Advertisements --
Kapwa interesadong magharap sina Filipino Mixed Martial Arts (MMA) fighter Eduard Folayang at Christian Lee na magharap.
Ayon sa 22-anyos na si Lee, malaki ang respeto nito kay Folayang at isa ito sa kaniyang iniidolo.
Magiging patok aniya ang kanilang laban kapag sila ay nagharap.
Hindi rin aniya inaalintana na pagiging bata nito ng 13 taon sa 35-anyos na Team Lakay fighter.
Si Folayang na mayroong record na 22 panalo at siyam na talo ay itinuturing na best MMA fighter sa bansa na nanalo na sa ONE lightweight title ng dalawang beses.
Habang mayroong 13 panalo at tatlong talo naman ang Singaporean fighter.