-- Advertisements --

Nabigo si Pinoy Mixed Martial Arts fighter Eduard Folayang kay Shinya Aoki.

Binanatan agad ng 41-anyos na magkakasunod na suntok ang Pinoy fighter at nakuha ang first-round submission sa ONE 172 na ginanap sa Saitama Super Arena sa Japan.

Sa unang takedown attempt ni Aoki ay nakawala si Folayang subalit matapos ang ilang segundo ay nagtagumpay na ang Japanese figher.

Sa apat laban ng dalawa ay mayroon ng tatlong panalo ang Japanese fighter at isa lamang ang Pinoy fighter.

Mayroon na ring 49 panalo at 11 na talo si Aoki samantalang si Folayang ay mayroong 23 panalo at 14 na talo.