-- Advertisements --
EDUARD FOLAYANG
Folayang

Pinayuhan ni dating ONE lightweight champion Eduard Folayang ang kababayan nitong si Honorio Banario sa nalalapit paghaharap niya kay Shinya Aoki.

Nakatakda kasing magharap ang dalawa sa darating na Oktubre 13 sa Ryogoku Kokugikan sa Tokyo.

Ayon kay Folayang na dapat sa umpisa pa lamang ay paulanin na ni Banario ng mga suntok.

Mahalaga ang pagsunod sa gameplan na ipapatupad para manalo.

Naniniwala ang Team Lakay fighter na nakapaghanda ng mabuti si Banario sa nasabing laban.

Dalawang beses na nakalaban ni Folayang si Aoki kung saan nagwagi ito noong Nobyembre 2016 at sa rematch ay nakabawi ang Japanese fighter.