Pumanaw na ang Grammy-winning folk and country music singer-songwriter na si Nanci Griffith sa edad 68.
Kinumpirma ito ng kaniyang management subalit hindi na sila nagbigay pa ng sanhi ng kamatayan nito.
Isinilang sa Seguin, Texas noong 1953 at bago sumabak sa musika ay naging nursery teacher sa Austin noong 1970.
Lumipat siya sa Nashville noong 1985 kung saan nakilala siya bilang influential singer na kasama niyang nag-record ng ilang singer gaya nina Willie Nelson.
Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Love at the Five and Dime” at “Outbound Plane”.
Nagwagi ito sa Grammy award noong 1994 dahi sa album niyang “Other Voices”.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang maraming mga musician sa iba’t-ibang bahagi ng mundo matapos na malaman ang pangyayari.