-- Advertisements --

Nakatakdang ipalabas sa buwan ng Agosto sa mga sinehan sa bansa ang “Follow Again” tour ng Korean group na Seventeen.

Magsisimula ang pagbebenta ng ticket sa mga sinehan sa susunod na linggo kung saan magsisimula ang palabas mula Agosto 12.

Sa social media post naman ng grupo na nanawagan sila na suportahan ang pagpapalabas sa mga sinehan ng kanilang mga concerts.

Mapapanood sa nasabing pelikula ang kakaibang anggulo na kuha sa mga concerts ganun din na unang mapapanood ang kanilang bagong kanta na “Maestro”.