Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad sa insidente ng stray bullet na naitala sa Marikina.
Ayon kay Eastern Police District Director Wilson Asueta, maaaring matukoy ang may-ari ng ginamit na baril na liable sa ligaw na bala sa pamamagitan ng ballistic examination liban na lamang kung ang baril na ginamit ay loose firearm, karaniwan aniyang wala itong official records.
Sinabi din ng opisyal na walang miyembro ng Eastern Police District ng sangkot sa anumang insidente ng ilegal discharge of firearms.
Una na ngang iniulat ng PNP na 2 na ang kumpirmadong nasawi sa pagsalubong ng taong 2024.
Kung saan isa dito ay biktima ng ligaw na bala at ang isa naman ay nasawi dahil sa paputok habang umaabot na sa 509 katao ang nasugatan ng paputok at isa pang indibidwal ang nasugatan dahil sa stray bullet sa Barangay Fortune sa Marikina city.