-- Advertisements --
Naghahanda na si Larry Fonacier sa kaniyang pagbabalik sa PBA matapos ang pamamahinga ng isang taon.
Sinabi ni NLEX head coach Yeng Guiao, na nakahanda ang 38-anyos na si Fonacier matapos na magdesisyon itong hindi muna sasama at maglalaro sa 2020 Philippine Cup.
Nagtapos na rin kasi ang kaniyang kontrata sa koponan pagkatapos ng season.
Dagdag pa ni Guiao na maaring makabalik na si Fonacier sa second conference ngayong taon o ang Governors’ Cup.
Hindi naman nagbigay ng katiyakan si Guiao kay Fonacier kung mayroon pang bakanteng puwesto sa kaniyang pagbabalik sa koponan.