Bumuhos ang pagdadalamhati mula sa mga fans at iba’t-ibang musicians sa buong matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng drummer ng American rock band na Foo Fighters na si Taylor Hawkins sa edad 50.
Sa social media page ng Foo Fighters ay inanunsiyo nila ang nasabing hindi magandang balita.
Hindi naman nagbigay ng detalye ang banda kung ano ang sanhi ng kamatayan ng kanilang drummer.
Nasa Bogota, Colombia ang banda at nakatakda sana silang tumugtog.
Huling nakasama ng banda ang kanilang drummer ay noong sila ay tumugtog sa Lalapalooza sa Argentina noong nakaraang Linggo.
Si Taylor ay mayroong history ng substance abuse kung saan noong 2001 ay nalampasan niya ang heroin overdose.
Taong 1997 ng sumama ito sa Foo Fighters kasama ang kanilang bokalista na si Dave Grohl.
Noong 2021 ay kabilang din siya na tinanghal sa Rock and Roll Hall of Fame.
Bago ang pagsali sa bandang Foo Fighters ay naging drummer na rin ito ni Alanis Morrisette at Sass Jordan.