Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong insect repellant spray na ibinebenta sa merkado.
Sa isang advisory, sinabi ng kagawaran na ang Bench organics Bug Away Mist Natural Insect Repellant spray ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan sa mga mamimili dahil hindi ito nakarehistro sa ahensya.
Dahil ang pesticide product ay hindi dumaan sa proseso ng pagpaparehistro, hindi masisiguro ng ahensya ang efficacy, quality at safety.
Sinabi ng ahensya na ang paggamit ng mga substandard at adulterated pesticides na produkto ay maaaring magresulta sa masamang reaksyon tulad ng pangangati ng balat, anaphylactic shock, respiratory disorder, endocrine complications, pinsala sa utak at organ failure.