-- Advertisements --
Pinayagan na uli ngayong araw ang Mekeni Food Corp na magbenta ng pork products, matapos una nang matukoy ang pagpositibo ng ilan sa kanilang produkto na may traces ng African swine fever (ASF).
Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), nakapag-secure na ang kompaniya ng kinakailangang clearance mula sa regulators.
Matatandaang kusang nag-recall ang food company matapos lumutang ang isyu ng ASF na na-detect sa ilang produkto na naibyahe mula sa kanilang outlet.
Sinasabing nakaapekto pa sa ibang kompaniya ang pangyayari at naging matumal ang bentahan ng meat products at processed foods.