-- Advertisements --

Unti-unti umanong nararamdaman ang global food crisis kasunod na rin ng paglusob ng puwersa armada ng Russia sa Ukraine.

Ito ay kasunod din ng hakbang ng Indonesia na itigil muna ang pagbebenta ang kanilang produktong palm oil tulad ng mantika.

Ang ilang mga bansa o listahan ng mga producing countries ay nilalayon din na hindi umano maglalabas ng suplay ng kanilang mga food supplies.

Sa ngayon ang krisis sa Ukraine ay nagbabadya rin ng kakulangan ng produksiyon ng bigas, gayundin ang mantika at fertilizer exports.

Sinasabing ang palm oil ay ang malawakang gumagamit nito bilang vegetable oil at ginagamit din sa produksiyon sa biscuits, margarine, laundry detergents at chocolate.

Umabot na rin ng mahigit sa 50 porsyento ang presyuhan ng palm oil.

Nagpaliwanag naman ang trade minister ng Indonesia na ang paghihipit nila sa inilalabas na prudukto o palm oil.