KORONADAL CITY – Bilang tugon sa over pricing sa mga basic commodities sa mga lugar na apektado ng lindol sa Mindanao, nagbukas ng mga food outlets sa lalawigan ng North Cotabato partikular sa mga bayan ng Tulunan, Makilala, M’lang at lungsod ng Kidapawan.
Ang nasabing hakbang ay inisyatibo ng Mindanao Development Authority kung saan hindi lamang mga pagkain ang ibenebenta doon kundi maging ang mga basic goods o pangunahing pangangailangan ng mga tao.
Inilunsad ang nasabing programa matapos maiulat na nagkakaroon ng over pricing ang mga tindahan na nagbukas sa nabanggit na lugar.
Una na ring sinabi ng OCD Region 12 na nakatutok ang DTI at iba pang ahensiya ng gobyerno upang hindi mamihasa ang ibang mga negosyante na lamangan ang mga apektadong mamamayan.
Siniguro naman ni OCD-12 spokesperson Jorie Mae Balmediano nakatutok ang mga ito sa monitoring hindi lamang sa pag-assess sa kabuuang pinsala na dalang lindo ngunit sa lahat ng aspeto na apektado ang mga mamamayan sa mga quake hit areas.