-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lubos ang kasiyahan ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa mga negosyante at mga residente ng bayan at kalapit lugar na bumisita sa pagbubukas ng Food Park Kabacan na matatagpuan sa Quirino Street.

Aniya, pangarap nito na magkaroon ng ganitong aktibidad sa bayan upang manumbalik ang sigla ng pagnenegosyo sa bayan.

Kasabay nito, namili ang alkalde sa bawat stall na nakapagdisplayat ibinahagi ito sa mga mamimili.

Nagkaroon din kantahan sa nasabing food park.

Samantala, tiniyak ng alkalde ang kaayusan ng nasabing park lasabay ng paghikayat sa bawat isang dumadalo at dadalo na magtulungan sa panawagan ng kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng Kabacan.