-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Upang matulungan ang mga returning Overseas Filipino Workers (OFW) na magkaroon ng pagkakakitaan, nagsagawa ng Food Processing Training ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg).

Abot sa isang daang OFWs mula sa bayan ng Mlang (50 OFWs) at Kidapawan City (50 OFWs) ang sumailalim sa pagsasanay na ginanap sa Brgy. Lika Brgy. Hall Mlang Cotabato at Brgy. Poblacion, Kidapawan City Covered Court.

Personal na binisita ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha TaliƱo-Santos ang kanyang nasasakupan sa bayan ng M’lang kung saan ipinaabot nito ang kanyang kagalakan na dahil sa tulong ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ay nabigyan ng pagkakataon ang mga nagbalik Pilipinas na OFWs na magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng

Agricultural Commodity Processing Program ng OPAg.

Kabilang sa mga itinuro sa mga benepisyaryo ay ang paggawa ng longganisa at siomai, banana, sweet potato, taro chips at turmeric/ginger tea.

Dumalo din sa nasabing aktibidad sina Provincial Liga ng mga Barangay President Phipps T. Bilbao, OPAg Project In-Charge Roy Magbanua at iba pang kawani ng OPAg.