-- Advertisements --

Idineklara na ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr ang food security emergency on rice.

Ayon sa kalihim na ibinase nito ang deklarasyon base na rin sa rekomendasyon mula sa National Price Coordinating Council.

Dagdag pa nito dahil sa nasabing emergency declaration ay maaari na nilang mailabas ang mga rice buffer stocks ng National Food Authority (NFA) para maging stable ang presyo ng bigas.

Dahil dito ay magiging accesible na ang bigas sa mga mamimili.

Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ang nasabing deklarasyon ay para mapuwersang bumaba ang presyo ng bigas.

Nananatili pa kasi ng mataas ang presyo ng bigas sa palengke kahit na ibinaba na ang presyo ng mga produksyon.