-- Advertisements --
image 552

Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sectoral meeting ng Department of Agriculture (DA) ngayong araw sa Malacanang.
Sinabi ni press briefer daphne oseña paez na pangunahing tinalakay sa pulong ang rice supply demand outlook ng bansa ngayong 2023.
Ayon kay paez, iprinesinta rin ng da kay pangulong Marcos ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para matiyak ang sapat na suplay ng mais, baboy, manok, isda, asukal at bigas.
Inirekomenda rin aniya ng da sa pangulo ang patuloy na pagpapatupad ng integrated national swine production initiatives para makabawi at mapalawak ang industriya ng baboy at mabilis na makabangon ang sektor ng magbababoy mula sa pagkakadapa dulot ng African swine fever.
Samantala, dinabi pa ni paez na tinalakay din sa pulong ang pagpapataman sa produksyon ng mga ptoduktong oang agrikultura sa pamamagitan ng ibat ibang inisyatibo kung saan binigyang halaga ang malaking papel ng national irrigation administration (NIA).