LEGAZPI CITY – Mas nababawasan pa ang resources ng mga residente sa mga apektadong lugar ng snowstorm sa Estados Unidos.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Marlon Pecson na nakabase sa Chicago, Illinois, nabatid na nakakaranas ng food shortage ang karamihan sa mga residente.
Dahil sa matinding lamig na nararamdaman sa lugar kaugnay ng emergency crisis, libo-libo ang walang kuryente, nagkukulang ang suplay ng produktong petrolyo at walang access sa malinis na tubig.
Pansamantala namang itinigil ang COVID-19 vaccine rollout sa ilang bahagi ng Amerika dahil sa kalamidad.
Dahil dito, ilang residente ang nagtutungo muna sa mga estado na hindi gaanong apektado ng snowstorm.
Samantala, sa hiwalay na panayam kay Editha Natividad sa Texas, nag-aalok aniya ang pamahalaan ng $500 assistance sa food supply habang babayaran naman ang hotel na pansamantalang tutuluyan ng ilang residente.