-- Advertisements --
DSWD REX GATCHALIAN

Binigyang diin ng grupo ng mangingisda at magsasaka na “Band aid solution” lamang ang programang food stamp ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dahil anila ay hindi ito sapat upang pigilan ang gutom, na naghahanap ng mga subsidy sa kabuhayan bilang isang mas napapanatiling alternatibong paraan.

Ayon ka Ronnel Arambulo, tagapagsalita ng grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), mas mabuti kung magpapatupad ang Marcos administration ng long-term program na naglalayong palakasin ang lokal na produksyon sa agri-fisheries.

Aniya, mas dapat bigyang pansin ng Department of Agriculture at ni Pang. Marcos Jr. ang agricultural production subsidy na P15,000 minimum per famer at fisherfolk gayundin na palakasin ang local food production, at hindi importasyon ng mga produkto.

Iginiit ng mga grupo na ang pagpapalakas ng produktibidad ng agrikultura ay mas tiyak na masisiguro ang matatag, abot-kayang pagkain sa mga pamilihan ng bansa.

Sinabi rin ni Arambulo na ang mga maliliit na mangingisda ay napilitang bawasan, kung hindi man pansamantalang iwanan ang pangingisda dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Giit niya, ang mababang output na ito ay nagreresulta sa mataas na presyo ng mga palaisdaan at produktong pandagat sa merkado na naglalagay sa parehong mga producer ng pagkain at mahihirap na mamimili dahil sa mataas na presyo nito.

Ayon sa data ng Enero ng Food and Fertilizer Technology Center para sa Asian and Pacific Region (FFTC-AP), sa kabila ng pagiging isang malaking agricultural archipelago na bansa, ang mga mangingisda at magsasaka ay nananatiling pinakamahirap sa Pilipinas.