Hindi rin nakaiwas sa panganib ng baha maging ang food truck ng Philippine Red Cross (PRC).
Malayong byahe kasi ng mga binahang daanan ang ilan lamang yan sa mga pagsubok na sinuong ng humanitarian caravan ng PRC.
Nabatid na muntik nang hindi makatawid sa mataas na baha ang sasakyan sa Lopez, Quezon Province.
Sa pamamagitan ng diskarte at sa kagustuhang makapagdala ng tulong, nagawan ng paraan at naitawid ang nasabing truck.
Agad na namahagi ng mga hot meals ang volunteers mula sa food truck para sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng bagyong Kristine sa evacuation centers.
Miyerkules pa ng gabi nang tumulak ang humanitarian caravan kasama ang mga rescue vehicles, food truck, assets at mga volunteers na tutulong iligtas ang mga residenteng nanatiling trap sa kanilang mga tahanan.