-- Advertisements --
image 409

Arestado ang isang food vlogger at kasama niya matapos silang mahulihan ng marijuana na nagkakahalaga ng P44,400 sa Barangay, Holy Spirit, Quezon City.

Ang suspek ay nakilala na si Gian Kalvert Paz at ang kapwa niya food vlogger na si Cassius Labatete.

nasabat sa kanila ang 370 gramo ngmarijuana.

Ayon sa pulisya, malaki na ang kanilang operasyon sa barangay at mga karatig-barangay, kaya itinuturo na rin sila ng mga nauna nang nahuli.

Paliwanag naman ng vlogger na si Labatete, pampatulog lang ito dahil stress at puyat aniya sila sa pag-e-edit at kailangan nila ng pampakalma.

Mahaharap ang dalawa sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.