-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng foot patrol ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa pangunguna ni MEEDO Edne Palomero at ni Romulo Eugenio sa kabuuan ng pamilihang bayan.

Sa kanilang pagpapatrolya, kanilang muling ipinaalala sa publiko ang kahalagahan ng paggamit ng tama at palagiang pagsuot ng face mask at face shield.

Base ang kautusan sa Executive Order 2020-054-B ng lokal na pamahalaan at ng National IATF.

Siniguro naman ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. na kanilang mas palalakasin pa ang kampanya laban sa naturang sakit. Ipinagpasalamat din nito na muling nabubuhay ang ekonomiyang pinabagsak ng covid-19 nitong 2020 sa bayan ng Kabacan.