-- Advertisements --

Malaking panghihinayang umano sa mga die hard football fans na ilang mga teams ang hindi makakasali sa nalalapit na prestihiyosong FIFA World Cup na magaganap sa Qatar sa Nobyembre.

Para naman ilang mga sports analyst maituturing na “shocking” dahil bigong mag-qualify din ang kasalukuyang European champions at ang dating four-time World Cup winner na Italy.

Liban dito, ilan pang mga big teams sa Europe, South America at Africa ay magkakasya na lamang na manonood sa kanilang mga bahay.

Ang iba pang mga bansa ay ang Colombia na ranked number 17 at dati ring quarterfinalist, ang Sweden na No. 20 sa buong mundo, ang Chile na number 29 na bigo ring mag-qualify, ang No. 31 na Nigeria.

Gayundin ang Algeria na ranked number 37, Team Egypt na world’s number 40 at ang No. 35 na Russia na initsapuwera ng mga organizers dahil sa pananakop sa Ukraine.