-- Advertisements --
Labis ang pasasalamat ng Philippine Football Federation (PFF) matapos ang pagtitiyak ng tulong pinansiyal mula sa FIFA.
Sinabi ni PFF president Mariano V. Araneta, na mayroong $1million na tulong na manggagaling sa FIFA.
Hahatiin ang pagbibigay ng nasabing tulong na una ay magsisimula ngayong Hulyo.
Ang pangalawang bugso naman na pagbibigay ng tulong ay sa Enero 2021.
Naaprubahan na rin ng FIFA ang $500,000 na tulong pa rin sa women’s football team ng bansa.
Magugunitang nagbibigay ng tulong ang FIFA sa mga iba’t-ibang football club sa bansa na naapektuhang ng coroanvirus pandemic.