Isinumite na ng Philippine Football Federation (PFF) sa Philippine Football League (PFL) ang kanilang mga ginawang protocols para sa nalalapit na pagbubukas na nila.
Itinakda sana noong Abril 18 ang kanilang pagsisimula subalit dahil sa ipinatupad na lockdown ay ipinagpaliban nila ito.
Nagsumite na rin ang PFF sa Games Abusement Board (GAB) para sa evaluation at endorsement para maaprubahan ng Inter-Agency Task Force.
Makikipag-ugnayan din sila sa iba’t-ibang government agencies para sa dahang-dahang pagbabalik ng kanilang mga laro.
Magugunitang sa buong mundo ay nagbalik na ang ilang mga laro sa football mula pa noong Mayo 16 sa Germany habang ang La Liga sa Spain ay magbabalik ang laro sa Hunyo 11.
Gumawa na rin ang FIFA ng mga recommendations at risk assessment na isinumite sa 211 member associations, six continental confederations at ilang mga stakeholders.