-- Advertisements --

Sinuspendi ang World Cup qualifying match sa pagitan ng Argentina at Brazil dahi sa COVID-19.

Nagpositibo kasi sa COVID-19 ang tatlong football player ng Argentina kaya minabuti ng mga officials na huwag ng ituloy ang laban.

Sinabi naman ni Antonio Barra ang pangulo ng health agency ng Brazil na kanilang pinagmulta ant pinalayas ang apat na manlalaro dahil sa hindi pagsunod sa mga ito sa COVID-19 protocol na ipinapatupad ng bansa.

Apat na manlalaro ng Argentina mula sa English Premier League ang inatasan na mag-quarantine.

Magsasagawa pa ng pagpupulong ang FIFA commissioners kung kailan muli itutuloy ang nasabing laro.