Pumanaw na ang football legend na si Diego Maradona sa edad 60.
Ayon sa kampo nito, inatake umano sa puso ang dating Argentina attacking midfielder.
Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan ito dahil sa blood clot sa kaniyang utak ganon din sa pagsasailalim dito sa gamutan dahil sa pagiging lango sa alak.
Naging team captain si Maradona ng Argentina Football Club ng makuha nila ang 1986 World Cup title.
Mayroong kabuuang 34 goals sa 91 na laro ito sa Argentina at nakasama siya sa apat na World Cups.
Sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan ay naging cocaine addict ito kaya na-ban ng 15 buwan matapos na magpositibo sa droga noong 1991.
Taong 1997 ng magretiro ito sa professional football kasabay ng kaniyang 37th birthday.
Naging abala na ito sa pag-manage ng ilang mga football team ng United Arab Emirates at Mexico at siya ang kasalukuyang manager ng Gimnasia y Esgrima ng Argentina bago ito pumanaw.
Nanguna naman ang Argentina Football Association sa nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng football great.