Buhos ngayon ang mga pakikiramay sa naulila ng pumanaw na football legend na si Jack Charlton sa edad na 85-anyos.
Sa isang pahayag, sinabi ng pamilya ni Charlton na pumanaw ito sa kanilang tahanan sa Northumberland noong Biyernes (local time) sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.
“As well as a friend to many, he was a much-adored husband, father, grandfather and great-grandfather,” saad sa pahayag ng pamilya.
“We cannot express how proud we are of the extraordinary life he led and the pleasure he brought to so many people in different countries and from all walks of life.”
Si Charlton ay bahagi ng koponan ng England na nagwagi sa World Cup sa Wembley noong 1966, kasama rin ang kanyang kapatid na si Bobby.
Gumawa rin ito ng record sa bilang ng kanyang mga appearance sa Leeds United, na umabot ng 773 sa loob ng 23 taon, at nagwagi rin ng 35 caps para sa England.
Kaugnay nito, inihayag ng England football team na “devastated” sila sa malungkot na balita.
Pinuri naman ng Football Association of Ireland si Charlton, na siya umanong nagpabago sa Irish football habambuhay. (CNN/ BBC)