Itinakbo sa pagamutan si football legend Diego Maradona.
Nilinaw ng kaniyang personal na doctor na si Leopoldo Luque na walang kaugnayan sa COVID-19 ang dahilan ng pag-confine ng 60-anyos na dating Argentine international player sa isang klinika sa La Plata.
Isa lamang aniyang general check-up ang isinagawa at nagpasya rin ito na manatili sa Ipensa private clinic.
Isininlang sa Villa Florito sa Buenos Aires noong 1960 si Maradona kung saan itinuturing nito na ang football ang nagligtas sa kaniya sa kahirapan.
Mula pa noon ay sikat na ang pangala ni Maradon at ito ay mas lalong sumikat pa sa 1986 World Cup sa Mexico ng dalawang beses ito nakapuntos sa edad noon nito na 26-anyos laban sa England.
Hindi malilimutan ang panalo nito ng suntukin ang bola patungong net at tinawag nito ang diskarte bilang “Hand of God”.