Pumanaw na ang dating football legend ng England na si Norman Hunter sa edad 76 matapos dapuan ng coronavirus.
Ayon sa football club nito na Leeds United, itinakbo sa pagamutan si Hunter noong nakaraang linggo matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19 at kahit na ginawa ng lahat ng makakaya ng National Health Service (NHS) ay hindi pa rin nito nakayanan.
Naging bahagi si Hunter ng Leeds United footballer ng makuha nila ang kampeonato sa England 1966 World Cup.
Dahil sa pagiging matinding defender nito kaya ito tinawag na”Bites Yer Legs”.
Ipinanganak noong 1943 sa Durham County sa north east England at hindi na ito pumasok sa paaralan sa edad 15 para maging electrical fitter.
Kinuha ito ng Leeds habang naglalaro sa local team nitong Britley Juniors.
Unang laro nito sa Leeds laban sa Swansea Town sa edad 18 at nagkaroong 736 appearance ng club sa mahigit 14 taon na paglalaro.