-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan si Brazilian football legend Pele matapos ang tanggalin ang tumor sa kaniyang colon.

Sumailalim kasi noong Setyembre 4 sa Albert Einstein Hospital sa Sao Paulo.

Dahil sa pagbuti na rin ng kaniyang kalagayan matapos operasyon ay pinayuhan ito ng mga doctor nito na makauwi na.

Ple
Pele/ IG post

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi nito ang balita at pinasalamatan ang mga hospital staff na tumulong sa kaniyang mabilisang paggaling.

Si Peli lamang ang tanging football player na nakapagtala ng tatlong World Cup noong 1958.

Taong 2000 ay kinilala ito ng FIFA bilang Player of the Century kasama ang football legend ng Argentina na si Diego Maradona.