Nakatakda umanong bumiyahe pabalik ng Brazil si football legend Pele makaraang itakbo ito sa pagamutan sa Paris dahil sa urinary tract infection (UTI).
“We’re going back to Sao Paulo on Monday,” wika ng kanyang advisor, na hindi na nagbigay pa ng karagdagan pang mga detalye.
Nitong nakaraang linggo nang dalhin ito sa pagamutan, isang araw matapos itong dumalo sa isang a promotional event kasama si France striker Kylian Mbappe.
Wala pa namang pahayag ang ospital tungkol dito.
Una nang napaulat na nais umano ni Pele na lumabas na ng pagamutan upang makabalik sa kanilang bansa.
Ngunit naantala ito dahil sa ilan pang mga pagsusuri, at kailangan ding obserbahan hanggang sa tuluyan na itong gumaling.
Sinabi naman ng mga miyembro ng kanyang entourage, hindi naman umano malala ang nakuhang UTI ng football icon. (AFP/ CNA)