Ngayon pa lamang ay nagpahiwatig na ng excitement ang football player na si Mathew Custodio para sa magiging laban ng kasintahang si Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022.
Bahagi ito ng espesyal na mensahe ng atleta kaugnay pa rin sa pagwawagi ng 24-year-old Filipina-Italian beauty queen bilang bagong Miss Universe Philippines.
Sa kanyang Instagram post, bakas ang pagiging proud boyfriend nito kung saan alam na raw nito noong una pa lamang na magtatagumpay ang kanyang Reyna.
“My Queen. April 30, 2022. An evening we will cherish forever!! To see you with the Crown on that stage gave us all extreme chills.. you were stunning! On behalf of everyone else that had known her before she began the official journey for the Miss Universe; we’ve always known she was bound for the Crown,” wika ni Custodio.
Dagdag pa nito na masuwerte siya bilang nobyo ni Celeste.
“I feel very blessed to be loved by you. Like a mother’s love, your love is a constant reminder that there is a greater meaning & purpose in our lives. I cannot wait for our country & the whole world to feel the love you are about to share. It needs it.”
Sa panig naman ng kinatawan ng bansa ngayong taon sa Miss Universe, naiyak daw ito sa mensahe ng boyfriend kasabay ng pasasalamat sa suporta at pag-unawa.
“This is just the beginning,” saad ng half Italian beauty.
Una nang naging maingay ang fans ni Cortesi na sana ay manatiling matatag ang relasyon nito sa kasintahan.
Kung maaalala kasi, parehong nauwi sa hiwalayan ang long time romantic relationship ng dalawang sinundan ni Celeste sa Miss Universe Philippines.
Una ay si Rabiya Mateo na break na sa kanyang naging boyfriend of six years, at si Beatrice Gomez na nakahiwalayan din ang girlfriend of six years.
Nabatid na mula sa pagiging Top 8 finish sa Miss Earth 2018, tatangkain ng Pasay beauty na maibigay sa bansa ang panglimang Miss Universe crown.