-- Advertisements --

Patay ang dating MLS at Gabon forward na si Aaron Boupendza matapos na mahulog sa 11-palapag ng gusali sa China.

Ang 28-anyos na striker na naglaro din sa FC Cincinnati at Romanian club Rapid Bucaresti ay naglalaro na ngayon sa Chinese Super League sa koponang Zhejiang FC.

Ayon sa mga otoridad na kanilang nirespondihan ang tawag ng maiulat na nahulog ang bikitma sa nirerentahan nitong kuwarto sa nasabing gusali.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.