-- Advertisements --
Kinilala ng mga otoridad sa Afghanistan na isa sa nasawi nang sumabit sa eroplano ay ang kilalang football player ng kanilang bansa.
Ang 19-anyos na si Zaki Anwari ay naglaro sa national youth team ng Afghanistan.
Hindi naman nagbigay pa ng detalye ang mga otoridad ng Afghanistan sa nangyaring insidente.
Magugunitang maraming mga Afghans ang nagtungo sa Kabul airport para lumikas matapos na sakupin ng Taliban militants ang malaking bahagi ng kanilang bansa.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang General Directorate of Physical Education and Sports ng Afghanistan sa mga kaanak ni Anwari.