-- Advertisements --
Pinaiimbestigahan ni Indonesian president Joko Widodo ang lahat ng football stadiums ng kanilang bansa dahil nais nitong matukoy kung ano ang tunay na pinagmulan ng nangyaring sakuna na itinuturing na isa sa deadliest disaster in the sports history.
Tumungo ng siyudad ng Malang Indonesia si Widodo para bisitahin ang mga kaanak ng mga biktima at sugatan sa nasabing trahedya.
Kung maaalala, umabot sa 131 katao ang namatay sa nangyaring stampede sa football stadium.
Kaugnay niyan, patuloy pa rin ang isinasagawang personal na pag-iinspeksyon ng Indonesian president sa lahat ng mga football stadium sa kanilang bansa. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)